Friday, September 01, 2006

Basa

Natawa ako sa isang comment ng aking kasama sa opisina nung pinakita ko ang blog ng isa kong kaklase noong hayskul. Sabi nya "Bakit ka tumitingin sa blog nya, crush mo siya ano?". Shempre hindi ang sagot ko. At pinagpilitan pa nya "E bakit ka naman titingin sa blog ng isang tao, kung hind mo sha crush?". Mejo mababaw na usapin, pero naisip ko na magpaliwanag na rin, hindi lang para sa kapakanan nya, kundi para na rin maungkat sa aking isipan kung bakit nga ba nagbabasa ng blog ang isang tao, at sa kabaliktaran, bakit nagsusulat ang isang tao ng blog.

Sinabi ko na ang blog ay parang friendster, kung saan tinitingnan mo ang kalagayan ng isang tao. Kung ano na ang ginagawa nya sa buhay, ano ang kanyang naabot, kung me asawa na siya, at kung ano na ang posisyon nyo sa buhay. Ipinaliwanag ko na ang pag-ungkat sa buhay ng may buhay sa mundo ng internet ay isang paghahambing sa sarili sa ibang tao, kung saan, mula nang hindi mo na nakita ang taong tinitingnan mo, ay makikita mo kung narating na nya ang mga pinaka-basic na obhetibo sa buhay: pagtatapos ng pag-aaral, pagpapayabong ng pinansiyal na kinatatayuan, pag-aasawa. Kung baga, may "base line" kayo na pinagmulan (maaaring ang panahon bago kayo nagkahiwalay) , at ngayon ay titingnan nyo kung gaano na kalayo ang agwat nyo sa takbuhan na tawag ay buhay.

Hindi ko tuloy mapigilan na magisip ng ibang pang dahilan kung bakit nagbabasa ng blog, at lumalabas ang medyo nakakatakot na mga dahilan kung bakit nagsusulat at nagbabasa ng blog ang isang tao. Pinakaligtas ang una kong paliwanag, ngunit nakakatakot ang ilan pang dahilan, at napapansin kong marami-rami na ganito, gamit ang ilang salitang malalim at mahirap nang ipaliwanag. Narsisismo, stalking, bigotry, ilan lamang yan sa mga dahilan. At isa pang napakalaganap na pangyayari sa internet, ang anonimity.

Sana lamang sa aking muling pagbuhay ng aking blog ay mapansin ko agad o may magsabi sa akin kung umaabot ako sa ganoong mga punto. Malay natin, isa pala akong taong nababalot ng megalomanya. Bwahahaha...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home